Recent Posts

“I want to erase the image of the corrupt politician. I want my name to be synonymous with excellent public service and clean and good government”

Pacman pinarangalan bilang “Man of the Decade”

MANILA, Philippines—–Isa na namang parangal ang iginawad kay “Pambansang Kamao” at Sarangani lone district Representative Emmanuel “Manny” D. Pacquiao, kung saan kinilala eto kamakailan  ng People Asia at ng The Philippines STAR Group of Publications bilang “Man of the Decade”.

Iginawad ang naturang pagkilala kay Pacquiao dahil sa hindi matatawarang kontirbusiyon at karangalan na ibinihagi nito sa bansa hindi lamang sa larangan ng palakasan o sports, kundi pati na rin sa pagiging magiting nito sa larangan ng pulitika.

Napag-alaman na ang “Man of the Decade” ang siyang pinakamataas na papuri na iginawad ng naturang mga prestihiyoso at resepetadong media organizations para sa “People of the Year” recognition.

Kabilang naman sa binigyan ng “People of the Year” award ang tubong-General Santos City beauty queen at Miss Universe 3rd runner-up na si Shamcey Supsup, broadcast journalists na sina Mel Tiangco at Ted Failon, Miss World 1st runner-up Gwendolyn Ruais, Senators Edgardo Angara at Miriam Defensor-Santiago,  Henry Sy, Louie Ocampo, Jun de Leon, Evelyn Singson at national artist Ben Cabrera.

Ayon naman kay Pacquiao sa kaniyang acceptance speech, isang malaking karangalan ang magawaran ng nasabing pagkilala at labis niya etong pinasasalamatan.

Aniya,  kaagapay niya sa lahat ng kaniyang tagumpay ang kaniyang misis na si Jinkee.

“Nagpapasalamat ako sa God na binigyan ako ng isang Jinkee na matibay ang kalooban at kahit ang mga pagsubok ay nalalampasan namin. Siyempre hindi natin maiwasan ‘yung mga pagsubok na dumarating sa buhay natin”, ayon sa boxing legend.

“Manny has always believed that whatever blessings he may be enjoying are the result of his unwavering faith in God- and his faith makes him different from all other champions”, saad naman ng pamunuan ng People Asia at anila’y sadyang karapat-dapat na gawaran ng nasabing titulo ang magiting na boksingero at kongresista ng Sarangani Province, dahil sa kabila ng walang humpay na inaani nitong mga tagumpay at kasikatan sa buong mundo ay nananatili pa rin ang pagiging mababang-loob nito, matulungin at higit sa lahat ang pagiging mabuting tao nito sa kaniyang kapwa. (Rose Tamayo-Tesoro at John Nunez)

Topics: News, Public Service |

Likes and Comments

Comments